Inaprubahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang magiging kaparusahan ng Banco de Oro (BDO) at UnionBank of the Philippines (UBP) kaugnay ng naganap na unauthorizedbank transfer noong Disyembre 2021.

Sa pahayag ng BSP nitong Huwebes, natapos na nila ang imbestigasyon sa naganap na unauthorized access of accounts sa BDOat fund transfer o paglilipat ng karamihan ng saving accounts sa UnionBank.

"Based on the results of the investigation, the Monetary Board (MB) approved the imposition of sanctions on BDO and UBP to ensure that both banks will swiftly address the issues," paliwanag ng BSP.

Gayunman, hindi binanggit ng BSP kung anong kaparusahanang ipapataw sa dalawang bangko.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Matatandaan na nagreklamo ang karamihang depositorsng BDO kaugnay ng nai-wi-withdraw na pera sa kanilang accounts na lingid sa kaalaman ng mga ito.

Depensa naman ng BDO, gumamit ng"sophisticated fraud technique" ang mga hackers upang makakuha ng pera mula sa kanilang depositors at mai-transfer sa UBP accounts na pag-aari ng osang "Mark Nagoyo."

“This incident is a reminder that we should continue to enhance our defenses againstcyberthreatactors to protect the integrity of the financial system and the interests of depositors,” ayon pa kay Diokno.

Matapos ang imbestigasyon, natunton ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang responsable sa insidente na ikinaaresto ng dalawang Nigerian saikinasangoperasyon sa Pampanga noong Disyembre 2021.