Itinuturing na 'most qualified candidate' sa pagkapangulo ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto ang ama ng kaniyang partner na si Senador Panfilo 'Ping' Lacson.

Ibinida ni Iwa sa kaniyang Instagram posts si Senador Ping, na aniya, siya ang number 1 fan nito. Simula nang isumite ng senador ang kaniyang certificate of candidacy o COC at i-anunsyo ang intensyong tumakbo sa pagkapangulo ay nagpakita na ng buong suporta si Iwa at ang kaniyang pamilya.

"The most qualified candidate! So proud of you daddy. Namiss kita. Love you dad @iampinglacson," saad ni Iwa sa kaniyang IG post noong Abril 24.

Noong Marso 7 naman, sinabi ni Iwa na siya ang numero unong tagahanga ng kaniyang 'biyenan'.

"I love you daddy @iampinglacson… Always remember I'm your #1 fan. You are such a remarkable person," aniya sa caption.

Ibinida rin ni Iwa na isa siyang 'stage daughter-in-law' dahil all-out ang suporta niya sa mga campaign rally nito.

Noong Pebrero 3, sinabi ni Iwa na si Sen. Ping ay isang 'leader by example'.

"Great leaders don’t tell you what to do. They show you how it's done!" aniya.

"Like what @iampinglacson says. It all boils down to LEADERSHIP BY EXAMPLE! He taught us to be humble, responsible and hardworking."

"Yes we personally help him with his campaign… dumadayo kami kung saan-saan para mamigay ng campaign materials. Yes maraming supporters and volunteers pero dahil turo sa amin ni daddy na dapat wag i-asa sa iba ang trabaho kaya kami mismo ang gumagawa."

"And to all our family and friends who are helping us. Thank you so much! The fight is just starting.. and we are here to win! We can do this!!!" aniya.