Isa ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa dumaraming celebrities na lantaran nang inihayag ang pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Suot ang pink outfit, at pink star wand, nagpahayag na ng kanyang suporta ang Kapuso star para sa kanyang boto sa halalan 2022.

“My vote. My choice. I choose Leni! ✨” mababasa sa Instagram post ni Kris noong Linggo.

Pinasalamatan naman ng aktres ang inspirasyong dala ni Robredo at ang pag-asa nito para aniya sa mas maayos na hinaharap para sa bansa at sa mga Pilipino.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“I believe you are the leader this country needs. Ilang araw na lang, I hope and pray that many more people recognize your worth. We love you. 💕” ani Kris.

Pangako ni Kris sa presidential bet na nagdiwang ng kanyang ika-57 kaarawan noong Sabado, “Sa May 9 namin ibibigay ang regalo namin sayo. 🎁”

Sa serye ng mga larawan ng IG post, makikita ang pamilya ng aktres na suot ang puti at pink shirt na may mga salitang “Let Leni Lead.”

Makikita rin ang bawat isa na nakangiti at naka-“L” sign sa larawan.

Si Kris Bernal ang ikalawa sa Kapuso star na hayagang lumantad para sa kandidatura ni Robredo. Nauna nang nagpahayag ng kanyang suporta para sa parehong kandidato si Carla Abella kamakailan.

Basahin: Kapuso star Carla Abellana, nagdeklara ng suporta kay Robredo suot ang red lipstick – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid