Binabantayannang husto ngDepartment of Health (DOH) ang ilang lugar sa National Capital Region (NCR) na nakitaan nila ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Pateros ay nakitaan ng positive growth rate habang nasa full capacity naman ang intensive care unit (ICU) ng Malabon,

“Pero nung pinag-aralan naman natin, tatatlo lang ‘yung ICU beds nila [sa Malabon] at ngayon, puno po na tatlo ang kanilang ICU beds,” ani Vergeire, sa panayam sa radyo nitong Lunes.

Kabilang din ang Navotas, na mayroon lang aniyang 46 beds sa COVID wards, sa nakitaan nang pagtaas ng mga bagong kaso.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Paglilinaw naman ni Vergeire, hindi pa ‘significant’ ang pagtaas ng mga bagong impeksyon, gayunman, binabantayan pa rin nila itong mabuti.

“Binabantayan po naming maigi. Sa tingin po namin, hindi pa naman ito significant because ‘yung mga na-a-admit din is really going there not because of COVID but because they have other illnesses tapos ‘pag tinest, nagco-COVID-positive sila,” paliwanag pa niya.

Una nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III noong nakaraang linggo na may 14 na lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ang nakitaan nang pagtaas ng COVID-19 cases.

Idinagdag pa ni Vergeire na posibleng dahilan nito ang hindi pagtalima saminimum public health standards, pagdagsa ng mga tao sa election campaign sorties, at maging ang mga nakalipas na pagtitipon noong nakalipas na Mahal na Araw.