Isa sa mga nagbigay ng birthday message kay Asia's Songbird Regine Velasquez ang co-host niya sa talk show na 'Magandang Buhay' na si Momshie Melai Cantiveros.

Kahit kakaunting panahon pa lamang na magkasama dahil sa pansamantalang paghalili kay Momshie Karla Estrada, naging maganda ang bonding moments nila ng co-hosts kasama si Momshie Jolina Magdangal, na kitang-kita naman sa mga social media posts nila.

Instagram post ni Melai, "Happy Happy Birthday Momshie Reg, na super super kabait na artista na kilala ko na walang ka attitude attitude as-in super, very professional, very international ang talent," panimula ng Grand Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Double Up noong 2009.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Masaya raw siya na nakatrabaho niya si Regine sa Magandang Buhay kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa pamunuan ng show, at kay Momshie Reg dahil sa pagtanggap sa proyektong ito.

"Dati very proud na ako na magka-birth month kami ni Momshie Reg pero now naglevel up na, very proud na me na naging katuwang namin ni Momshie Jols @mariajolina_ig si Momshie Reg sa stage ng @_magandangbuhay, thank you Magandang Buhay for making it possible and Thank you momshieReg for accepting it."

Para kay Melai, deserve na deserve ni Songbird na tingalain ng ibang mga ka-industriya at syempre, maging ng mga tagahanga nito.

"We love you Momshie Reg, dapat ka talagang tingalain dahil sa napakaraming bagay, at ang pinaka-best na bagay doon ay ang kabutihan ng iyong puso. We love you Momshie Reg @reginevalcasid!"

Sa comment section, makikitang tumugon naman dito si Momshie Reg.

"Oh thank you momshie Melay love you," aniya.

Tumugon naman dito si Momshie Melai.

"@reginevalcasid Momshie Regs mahal na mahal na namin salamat sa iyong kabutihan."

Ang tatlong momshies na hosts sa kasalukuyan ay pare-parehong Kakampink. Si Momshie Karla naman, na tumatakbong nominee ng partidong Tingog partylist, ay tagasuporta naman ng UniTeam.

Matatandaang naging usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang isyung manalo-matalo, hindi na raw makababalik si Momshie Karla bilang host ng MB dahil si Regine na raw ang permanenteng ipapalit sa kaniya, bagay na hindi pa nakukumpirma ng ABS-CBN management.