Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila simula ngayong Abril 22.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA, dakong 11:00 ng gabi ngayong Biyernes uumpisahan ng DPWH ang pagkukumpuni sa EDSA Guadalupe Makati City Northbound (NB) innermost lane (bus way) mula sa Urdaneta Road (katabi ng Phoenix Gas Station) patungo hanggang EDSA Guadalupe Cloverleaf (malapit sa Guadalupe MRT Station); C-5 Road (SB) 2nd lane;EDSA-Caloocan Southbound (SB) bago Biglang Awa St. (3rd lane buhat sa sidewalk); EDSA SB Service Road Corner 11th Jamboree hanggang Timog Avenue Intersection- Timog Avenue Corner Kamuning Road, (2nd block mula sa sidewalk), Quezon City.

Bukod dito, isasaayos din ang  C.P. Garcia Avenue bago Katipunan Avenue (3rd lane buhat sa sidewalk); C-5 Road sa Pasig Blvd. Southbound harapan ng Burger Machine sa Doña Julia Vargas Westbound harapan ng Philippine National Bank; C-5 Road Northbound (3rd lane); C.P. Garcia Ave. harpan ng Institute of Mathemathics (1st block buhat sa sidewalk); at EDSA Quezon City (NB) pagkatapos ng P. Tuazon- Aurora Blvd. (2nd lane magmula sa sidewalk (Intermittent section).

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa darating na Lunes, Abril 25 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong mga ruta upang hindi maabala.