Ibinalandra ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang lumalaking baby bump.

Proud mom-to-be na nga ang aktres nang ipost niya ang mga larawan ng kanyang baby bump.

"Baby moon," saad niya sa caption ng kanyang Instagram post nitong Huwebes, Abril 21.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasama rin niya isang larawan ang kanyang jowa na si Gregg Homan.

Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa ilang katrabaho niya sa showbiz industry.

"Pretty momma ❤️" ani Bela Padilla.

"Ang ganda ganda mo 😭" ani Janine Gutierrez.

"Glowing and blooming ❤️" saad naman ni Bianca Gonzales.

"Gandang buntis 😍😍😍" saad ni MJ Lastimosa

"Apakagandang buntis 💗" ayon kay Antoinette Jadaone.

Matatandaan na tinuldukan na ng aktres ang usapin at kinumpirma ang kanyang pagbubuntis sa non-showbiz partner noong Marso 20, 2022.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako, [emojis]” mababasa sa Instagram post ni Angge kung saan makikita rin ang larawan at bidyo ng kanyang ultrasound.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! ? Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu ? may pamilya na ‘ko ? kaiyaq pramis ?” pagpapatuloy ni Angge.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/