Sa unang pagkakataon, inamin ni Songbird Regine Velasquez na naging mahirap para sa kanya na tanggapin ang pag-alis sa bansa ng kanyang matalik na kaibigan na si Queen of Soul Jaya.

Emosyonal na nagbahagi ng kanyang naramdaman si Regine sa pag-alis sa Pilipinas ng kanyang kaibigang si Jaya noong Hulyo 2021. Pag-amin ni Songbird, hindi niya nagawang tawagan si Iyay noong araw na lumipad ito sa Amerika.

“Feeling ko iniwan ako ng kaibigan ko. Although nag-usap na kami pero hindi ko masabi na nahu-hurt ako kasi iniiwan mo ‘ko. Ganun yung feeling ko. Magkaibigan ‘di ba tayo dapat lagi tayo magkasama,” saad ni Songbird sa kanyang birthday episode sa Magandang Buhay nitong Huwebes, Abril 21.

“I know na meron siyang reason why she needed to leave. Naiintindihan ko naman yun, ayoko lang intindihin. I’m not usually like that. I am very understanding person. Kung saan ka masaya ho. I don’t know why I am like this with her,” dagdag pa ni Regine.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Teyorya niya, ang matagal nilang pinagsamahan at maraming pinagdaanan magkasama ang dahilan ng kanyang pagiging “possessive” at “selfish” sa singer.

“Kasi marami na kaming pinagdaanan. Never naman kami nag-away pero yung madaming mga ups and downs so sa buhay, witness siya sa aming buhay mag-asawa,” pagbabahagi ni Regine.

Matatandaang isang mabigat na pasya ang ginawa ni Jaya nang mamaalam ang singer sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Huling proyekto ng OPM veteran ang paghuhurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime.”