Isa sa mga sikat na YouTube tandem na real-life couple ay sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o kilala sa tawag na 'JaMill', na gumulantang sa kanilang 12M subscribers matapos nilang ihayag na buburahin na nila ang kanilang YT channel, noong Agosto 2021.

"Yes deleted na po ang channel. Di naman natin mapi-please lahat ng tao na sabihing pa-issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto na lang Thank you," ayon sa kaniyang tweet noong Agosto 19, 2021.

Ayon sa mga netizen, kahina-hinalang nangyari ito nang maghayag ang Bureau of Internal Revenue o BIR fna hahabulin ang mga social media influencers at content creators na hindi pa nagbabayad ng kanilang buwis.

Ibinenta rin nila ang mansyon na kanilang ari-arian. Nag-offer din sila ng 100K na komisyon sa sinumang makakapagpabenta ng JaMill mansion.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Noong 2020, sila ang ikaapat sa top content creators ng YT sa Pilipinas.

Subalit noong Setyembre 15 ay muli silang nag-comeback sa paggawa ng vlogs, at muli na naman silang namamayagpag ngayon sa online world.

Noong Abril 16, Sabado De Gloria, usap-usapan ang hubo't hubad na si Jayzam na tanging gitara lamang ang nakatakip sa kaniyang notabels, na makikita sa kanilang opisyal na Facebook account. Nagwala naman ang mga beki at matrona dahil dito.

Maririnig na napapamura at tawa nang tawa si Camille habang vini-videohan ang kaniyang jowa, na palapit nang palapit sa kaniya at nag-alok na haranahin ang jowa.

Wish naman ng mga uzi, sana raw ay malaglag ang gitara.

Panoorin ang video sa kanilang opisyal na FB account.