Nakumpiska ng pulisya ang ₱278, 800 na halaga ng umano'y shabu at dalawang baril sa tatlong drug suspects, kabilang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa inilatag na buy-bust operation sa Taguig City, nitong Abril 17.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Gen. Jimili Macaraeg ang mgasuspek na sina Imbra Dunding, alyas “Datu”, 38, vendor; Sashed Upam, 52, networker, miyembro ng MILF; at Christian Anito, 21, estudyante.

Sa police report, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang pulisya saJacinto Street, Brgy. Upper Bicutan, Taguig City, dakong 1:00 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlo.

Narekober ang 41 gramo ng 'shabu', marked money, isangcal. 38 revolver na may tatlong bala, isang cal. .45 pistol na kargado ng tatlong bala, isang magazine, MILF membership card at sling bag.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nahaharap ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.