Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang pagsasagawa ng special vaccination days sa Visayas at Mindanao simula Abril 21 upang mapalawak pa ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“We are looking at Negros Oriental and Negros Occidental, pinaplano ‘yun sa April 21 at 22. Then, we are looking at Region 12 dahil isa din sila sa mababa [ang vaccination] sa April 25, 26, 27,” paglalahad ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje sa isang television interview nitong Linggo.

Inihayag din ni Cabotaje na magsasagawa rin sila ng kahalintulad na hakbang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang lugar na kinabibilangan ng Palawan at Bicol.

Nilinaw din ni Cabotaje na "masaya" na sila kung makaabot sila ng 77 milyong mabakunahan kahit hindi maabot ang dating target na 90 milyon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Nasa 66.8 million na tayo so 10 million ang bubunuin natin hanggang May and June. So hopefully, the special vaccination days in these areas will be able to help us reach the 77 million or even beyond para maka-reach tayo na 90 million na milestone natin,” paliwanag nito.

Noong Marso 29-31, sinimulan ng Department of Health (DOH) naturang hakbang saCebu province, Davao, at Cotabato City.Ganito rin ang isinagawa sa BARMMnitong Marso 30 hanggang Abril 1.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba si Cabotaje sa posibleng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa BARMM dahil 32 porsyento lamang sa mga residente nito ang nabakunahan.