Ginulantang ng Adelaide 36ers ang Sydney Kings matapos talunin, 90-82, sa Qudos Bank Arena sa Sydney nitong Linggo.
Naging solido ang performance ni Dusty Hannahs na kumubra ng 22 puntos, habang naka-16 puntos naman si Sunday Dech, at 11 naman kay Daniel Johnson.Kakampi nilang si Kai Sotto ay gumawa lamang ng 7 punto s, tatlong rebounds, isang steal, at isang block sa 14 minutong paglalaro.
Nanguna naman sa Kings si Jaylen Adams sa nakuhang 28 puntos at nagdagdag naman ng 21 puntos ang kakamping si Xavier Cooks.
May pagkakataon pa sanang humabol ang Kings dahil apat lang ang abante ng Adelaide, 86-82, 36 segundo na lamang ang natitira sa regulation period. Gayunman, sapat na ang apat na freethrows ng koponan ni Sotto upang maiuwi ang panalo.
Nitong nakaraang Huwebes, ginulat pa rin ng Adelaide ang Perth Wildcats, 82-70, kahit laglag na sila sa kompetisyon. Sasagupain pa ng Adelaide ang South East Melbourne Phoenix para sa kanilang penultimate game ng season sa John Cairin Arena sa Abril 22.