QUEZON - Isang drug suspect ang inaresto nang bentahan nito ng₱3.6 milyong halaga ng marijuana ang mga pulis sa Lucena City nitong Biyernes Santo.

Ipinaliwanag ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) chief,Col. Joel Villanueva, nakapiit na ang suspek na nakilalang si Jero SalmbotGantakao, alyas Pancho, 28, at taga-Purok Pagkakaisa, Jael Subd., Barangay Ilayang Iyam, Lucena.

Nagkasang operasyon ang mga tauhan ngProvincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4A-Quezon, at Lucena City Police Intelligence Unit nia nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa bahay nito.

Bukod sa₱3.6 milyong halaga ng iligal na gamot, nakumpiska rin sa suspek ang siyam na marijuana bricks, ilang plastic sachet ng marijuana at marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag Republic Act 9165.