Inanunsyo ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na limitado at may ilang kanselasyon ng biyahe sa Biyernes Santo, Abril 15.

Sinabi ni PITX spokesperson Jayson Salvador, dapat na tiyakin ng mga biyahero na makaalis hanggang bukas (Huwebes) patungong probinsya upang hindi na maabala

Wala aniyang biyahe ang mga bus na gumagamit sa nasabing terminal patungong Pio Duran, Albay;  Camarines Norte: Daet at Jose Panganiban;  Camarines Sur: Naga, Pasacao, Iriga, Balatan, Garchitorena, Buhi; Catanduanes: Virac, Bagamanoc, Baras, Viga;  Sorsogon: Matnog, Pilar, Bulan, Gubat, Sorsogon City; Lemery, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Quezon: Infanta, San Francisco; Saulog patungong  Cavite City, Naic, at Ternate.

Nilinaw nito na may biyahe pa rin sa PITX ang mga lugar na wala sa naturang listahan, gayunman, limitado na ito.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos