Matapos tanghaling PBA Season 46 Governors' Cup's Best Import at Best Player of the Conference sina Justin Brownlee at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunud-sunod, ipinanalo rin nila ang Barangay Ginebra laban sa Meralco, 95-84, sa Game 4 ng kanilang best-of-seven champion series sa Smart-Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.
Nagtulungan sina Brownlee at Thompson na kapwa kumamada ng 27 puntos, bukod pa ang 18 rebounds at pitong assists ng una.
Nag-ambag naman sina LA Tenorio ng 17 puntos, at 11 naman kayChristian Standhardinger.
Bago naiuwi ang panalo, nagtabla muna ng iskor ang Ginebra at Meralco sa 41-41 sa kalagitnaan ng laro.
Umabot pa sa 20 ang abante ng Gin Kings sa huling yugto ng salpukang pinanood ng 17,298 na fans, karamihan ay taga-suporta ng Barangay Ginebra San Miguel.
Dahil dito, tabla na sa 2-2 ang Finals series.“That’s when we're at our best when everybody is contributing and working on the offense and defense side. I thought we played our best game of the series today,” komento naman ni Ginebra coach Tim Cone.