Diretsang sinagot ni Herbert Bautista ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni ni Ruffa Guttierrez sa isang panayam.

Ang senatorial aspirant ang pinakahuling guest ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel. Hindi naman nakaligtas ito sa mga tanong ukol sa kanyang buhay pag-ibig.

“I’m in a place na masaya lang. Hindi siya ganun ka-seryoso pero seryoso rin at the same time. Meron kang inspirasyon, meron kang motivation. Ganun yung sitwasyon ko ngayon,” sagot ni Bistek sa tanong kung kumusta ang lovelife nito.

Aniya pa, “hindi pinag-uusapan” at hinahayaan lang umano na mag-evolve ang kanilang relasyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang napabalitang si Bistek ang nag-udyok kay Ruffa na bumalik sa pag-aaral dahilan para magtapos ito sa darating na Hulyo ngayong taon.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit suportado ni Tita Anabelle ang pagiging malapit nito sa anak.

“I’m just pushing her na, 'Sige, just move on, move forward,'” pagbabahagi ni Bistek.

“More motivational, [and] more encouragement” umano ang klase ng kanilang relasyon ng celebrity host.

Gayunpaman, paglilinaw niya, walang commitment na namamagitan sa kanilang dalawa ni Ruffa.

“Wala eh, talagang we just support each other. Hindi ko alam kung support na nagtutulungan kami but it’s the conversation na kapag nag-uusap kami parang, ‘Oo nga, you have a point,’” aniya.

Hindi rin masabi ni Bistek kung friends lang ba o higit pa din ang ganung klase ng relasyon.

“Uso pa ba ang labels ngayon? I mean with this age,” sagot niya sa tanong kung may label nga ba sila ni Ruffa.

Sa huli, isang mature relationship umano ang namamagitan sa kanila ni Ruffa.