Isang batang lalaki ang patay nang masagasaan ngtren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sta. Cruz, Maynila nitong Miyerkules ng hapon.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na inilarawan lamang ng mga awtoridad na tinatayang nasa apat na talampakan ang taas, 9-12 taong gulang, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na pajama.

Nasa kustodiya naman na ng pulisya si Arjay Barlaan, operator ng PNR train, na may body number DEL 921, at nakasagasa sa biktima.

Sa ulat ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3), ang aksidente ay naganap sa riles na matatagpuan sa Antipolo St., kanto ng Ipil St. sa Sta. Cruz dakong 2:54 ng hapon.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Kwento ng saksing si Eliseo Paragas, 11, naglalaro lamang siya sa lugar nang makitang nabundol at nasagasaan ng tren ang biktima.

Naglalakad umano sa riles ang biktima at hindi nakita ang paparating na tren kaya nasagasaan ito.

Nahaharap si Barlaan sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Mary Ann Santiago