Nagpasalamat si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa One Cebu, na pinangungunahan ni Gov. Gwendolyn Garcia, dahil sa suporta nito sa buong UniTeam.

"Daghang salamat Gov. Gwen at One Cebu sa inyong pag-endorso at suporta sa amin ni BBM at buong UniTeam," ani Duterte sa kanyang Facebook nitong Martes, Abril 12.

"Makakaasa po ang lahat ng Cebuano sa tapat na paglilingkod, at walang pagod na pagtulong para sa lahat lalo na ang maliliit. Mahalin natin ang ating Pilipinas!" dagdag pa niya.

Ngayong araw din ay idineklara ng One Cebu, ruling party sa Cebu province, ang kanilang suporta para sa UniTeam presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

National

Trust, approval rating ni PBBM, tumaas; bumaba naman kay VP Sara -- Tangere

Matatandaang nauna nilang ianunsyo ang kanilang pagsuporta kay Duterte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/one-cebu-suportado-si-bongbong-marcos/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/12/one-cebu-suportado-si-bongbong-marcos/

Ang Cebu ang tinatawag na vote-rich province sa bansa na may population na 3,252,696 registered voters.