Sinuspinde ang pasok sa paaralan sa ilang lalawigan sa Eastern Visayas dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong 'Agaton' ngayong Lunes, Abril 11.

Walang pasok sa lahat ng antas saCebu City,Cebu province,Danao City, Cebu,Maasin City,Naval, Biliran,Southern Leyte province atTacloban City.

Ipinasya naman ng local government unit ng Lapu-Lapu City at Ormoc City na suspendihin ang pasok sa elementarya at high school.

Kanselado rin ang pasok sa mga pribado at government offices saCebu City,Danao City,Naval, Biliran,Southern Leyte province atTacloban City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinaliwanag naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bahagyang bumagal ang paggalaw ng bagyo habang nagbabanta sa Leyte at Samar.

Nitong Linggo ng umaga, hinagupit ng bagyo ang Guiuan, Eastern Samar, ayon pa sa PAGASA.