Posibleng tatama ang bagyong 'Agaton' sa bahagi ng Leyte sa susunod na 24 oras.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hahagupit ang bagyo sa silangang baybayin ng Leyte anumang oras ngayong Lunes.

Ito ang ikalawa na inaasahang pagtama ng bagyo sa Eastern Visayas. Nitong Linggo ng umaga ay humagupit ang bagyo sa Guiuan sa naturang lalawigan.

Nitong Linggo ng gabi, inihayag ng PAGASA ang bahagyang paghina at pagbagal ng pagkilos ng bagyo, taglay ang lakas ng hanging 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 kph.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Huling namataan ang sama ng panahon sa karagatan ng Mayorga, Leyte.