TIBAG, Tarlac City -- Inaresto ng awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki sa kasong paglabag ng City Ordinance Number 021-2020 na naganap sa Sitio Barbon, Barangay Tibag, Tarlac City kamakailan.

Ayon kay Police Corporal Eloyd G. Mallari, kinilala ang suspek na si Kyle Dave Casoy, 18, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na ang Warrant of Arrest ni Casoy ay inisyu ni Assisting Judge Anthony Prince Martinez Tominez ng Municipal Trial Court in Cities, Third Judicial Region, Branch 2, Tarlac City na may piyansang P3,000.

Pina-check up muna ang suspek sa Tarlac Provincial Hospital para matiyak ang kalusugan nito bago dinala sa police station at harapin ang kaso.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Sa nakalipas na mga araw ay maraming residente ang naaresto ng pulisya dahil sa patuloy na paglabag sa City Ordinance ng Tarlac hanggang arestuhin at makasuhan sa korte.