Nakumpiska ng mga awtoridad ang ₱3,570,000 halaga ng illegal drugs sa tatlong pinaghihinalaang drug traffickers sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, nitong Huwebes, Abril 7.

Sa ulat na natanggap ng tanggapan ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos, nakilala ang mga suspek na sina Iveen Migabon Pedrano, 23; Eugene Belamia Arces, 22; at Bernadeth Malubay Baslag, 23, pawang mga high-value individuals.

Ang tatlo ay dinakma ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office sa Barangay Guadalupe na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasabing halaga ng iligal na droga.

Sa rekord ng pulisya, ang tatlo ay kabilang sa regional level watchlist ng mga awtoridad.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

 “These suspected drug traffickers will be slapped with cases in violation of Republic Act 9165. They are relatively young but they belong to the persons whom we are closely monitoring due to their reported drug transactions. I congratulate our police operatives for the hardwork in making this a successful operation,” pahayag pa ni Carlos.