Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang prangkisa ng online cockfighting (e-sabong) sa bansa kung mapapatunayang may kinalaman sa mga iligal na gawain ang nasabing online gambling.

Paliwanag ng Pangulo, kahit hindi na kumita ang gobyerno ng bilyun-bilyong buwis ng nasabing online sabong na nabigyan ng Kamara ng 25 na taong prangkisa para sa operasyon nito.

"Ang problema ganito. Itong mga 'to, nagpupusta lahat. Nagsasangla na para magpusta. 'Yun ang sabi ng tagalabas. If it is true, then hihintuin ko 'yan," ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa dinaluhanggroundbreaking ng overseas Filipino workers (OFW) center sa Las Piñas City nitong Huwebes.

"Masigurado ninyo, before I go, I will stop it, kung totoo.But I have to sacrifice the billions that we would have earned kung nand'yan'yan," pahayag nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"So, it's a police work. Magtrabaho kayo. Solve the crime, kahit sino man 'yan. You have mentioned so many personalities there," sabi ni Duterte na tinutukoy ang pagkawala ng 34 na sabungero kamakailan.

Kamakailan, binalewala ni Duterte ang panawagang ihinto ang operasyon ng e-sabong at idinahilan ang mahigit sa ₱300 bilyong buwis nito kada buwan.

Noong Setyembre 2021, binigyan ng Kamara ng 25 taon na prangkisa ang Lucky 8 Star Quest Inc., na pag-aari ni Atong Ang na nag-o-operate ng tatlong cockpit arena kung saan huling nakita umano ang ilang nawawalang sabungero kamakailan.