BAGUIO CITY – Dalawa ang namatay, isa ang sugatan at tatlo ang nakaligtas na magkakaibigan matapos mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyang Toyota Tamaraw FX at bumangga sa railings habang pababa sa flyover sa Magsaysay Avenue nitong Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawing sina Cherry Lyn Sasa Monte, 24, taga-Padang, Pongayan, Kapangan, Benguet; ar Rodel Polano,18, taga-Bangao, Buguias,

Nasa stable na sa ospital si Fe Serafeno, 25, taga-Supang, Itogon, Benguet.

Ang tatlo pang sakay na sina Dariel Pacalso, 21; Marson Sab-it,18 at 17 taon gulang na lalaki ay nakaligtas sa insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa pahayag ni Baguio City Police chief, Col. Glenn Lonogan, si Monte ang nagmamaneho ng sasakyan na nagmula sa city proper, lulan ang lima nitong kaibigan dakong ala 1:00 ng madaling araw.

Habang binabagtas ang pakurbang Magsaysay flyover ay bigla na lumihis sa opposite direction ang sasakyan hanggang bumangga sa railings ng flyover at bumaligtad.

Dead on the spot si Monte at namatay naman sa pagamutan si Polano dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.