Kapansin-pansin ang tila panggigigil ni Manay Lolit Solis kay Kapuso actress Bea Alonzo at sunod-sunod na binanatan ito sa ilang serye ng Instagram posts kamakailan.

Nagbigay naman ng sariling teyorya si Ogie Diaz sa maaaring dahilan ng veteran showbiz insider sa ilan pang pagtawag sa batikang aktres.

Matatandaang ayon mismo kay Manay Lolit, ipinatanggal ni Bea ang kanyang pangalan sa press list ng isang launch ng isang brand na ini-endorso ng aktres. Dito na sunod-sunod na tinira ng talent manager si Bea.

Basahin: Manay Lolit, tumalak matapos ipatanggal siya umano ni Bea Alonzo sa isang launching event – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nakarating kay Lolit at si Bea daw ang may desisyon,” ani Ogie Diaz na pinatutungkulan ang launch ng isang brand.

“Kung kilala ko nang malaliman si Ate Lolit Solis, ganun talaga siya. Feeling ko na-offend si Ate Lolit nung tinanggal yung pangalan niya sa press list,” agad na teyorya niya.

Habang wala pang kumpirmasyon kung si Bea nga ba ang nagpatanggal kay Manay Lolit, ani Ogie, naniniwala raw ang showbiz insider na si Bea mismo ang nagpa-elbow sa kanya.

“Si Ate Lolit kasi, kung kilala ko siya, happy ‘yan kapag ini-invite sa presscon. Baka hindi lang natin alam na may nakaraan pang isyu,” saad ni Ogie.

Dagdag na hinuha ni Ogie, si Shirley Kuan, manager ni Bea Alonzo, ang nagdesisyon umano sa pagbara kay Manay Lolit sa presscon dahilan para hindi tantanan ni Manay Lolit si Bea.

Basahin: Manay Lolit, muling binanatan ang aniya’y ‘malapit nang maging senior’ na si Bea Alonzo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bilang talent manager, may sariling karanasan naman si Ogie sa pagtanggal din ng ilang miyembro ng press para protektahan ang kanyang alaga kagaya ni Liza Soberano.

“Kesa tirahan niya pa lalo ‘wag na natin imbitahan,” pag-amin ni Ogie.

“Baka pahiyain pa yung alaga ko…’di ko na pahihintulutan,” dagdag niya.

Ayon pa kay Ogie, alam ni Manay Lolit ang ganitong ganap sa mga celebrity bilang isa ring talent manager ang veteran showbiz insider.

Umaasa naman si Ogie na matutuldukan na ang nasabing isyu.

“Feeling ko kapag nilapitan ni Bea si Ate Lolit, in-approach niya o hinawakan niya, mawawala na yung galit niyan at mala-love siya ni Ate Lolit. Lovable naman si Ate Lolit. Na-ano [insult] lang talaga siya na sa edad niyang ‘yan, naii-scratch pa yung pangalan niya. Insulto nga naman,” ani Ogie.

Ginagalang din naman ni Ogie ang sariling pasya ng anumang brand.