Hindi inaasahang maiiwasan ng Omicron XE ang Covid-19 vaccines, sinabi ng isang miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH) noong Martes, Abril 5.

Sinabi ni Dr. Edsel Maurice T. Salvaña, isang infectious disease expert, na ang Omicron XE ay isang recombinant ng dalawang sub-lineage ng Omicron— BA.1 at BA.2, at idinagdag na ang spike protein nito ay BA.2

“So ang ibig sabihin nito most of our vaccines kasi really target BA.1 and BA.2 na medyo may breakthrough infection. So we really don’t expect mas mataas ‘yung rate nung infection ng any of these recombinants more than their parent lineages so ang nakita lang so far sa XE at XF mukhang wala namang growth advantage hindi naman siya nag-te-takeover,’ aniya sa naganap na virtual public briefing.

“At ngayon mino-monitor closely lalong-lalo itong XE [as] there’s a possibility it can come in but we don’t expect it to be more severe, and we don’t expect it to touch vaccines any worse than BA.1 and BA.2,” dagdah ni Salvaña.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Ang Omicron XE ay naiulat na may 10 percent growth rate dahilan para maging mas nakakahawa ito kaysa sa Omicron BA.2.

Noong Lunes, Abril 4, sinabi ng DOH na nakikipag-ugnayan sila sa World Health Organization (WHO) sakaling may lumabas na developments tungkol sa Omicron XE.

Na-detect kamakailan ang Omicron XE sa Bangkok, Thailand.

Sa tulong ng Philippine Genome Center, patuloy na sinusubaybayan ng ahensya ang mga trend ng kaso at nagsasagawa ng genomic surveillance activities.

Jel Santos