Matapos ang mahabang panahon, binuksan na rin nitong Sabado sa mga motorista ang Kennon Road na makasaysayan at pinakamaikli na daanang paakyat ng Baguio City.

Ito ay nang maglabas ng memorandum ang Joint Inter-Agency Task Force Kennon para sa tuluyang pagpapagamit ng nasabing kalsada matapos ang rehabilitasyon nito.

Gayunman, pinapayagan lamang dumaan sa lugar ang mga sasakyang may bigat na limang tonelada pababa.

Inabisuhan din ang mga driver na sumunod sa ipinaiiral na speed limit na 30 kilometro kada oras, partikular na sa mga kurbada.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Ipinaliwanag din ng task force na isasara nila agad ang kalsada kahit walang abiso sa publiko sakaling magkaroon ng lindol o iba pang dahilan na magdudulot ng kapahamakan sa mga motorista.

Matatandaang isinara ang nasabing kalsada nang mapinsala ito ng Intensity 7.7 na lindol na tumama sa Northern Luzon noong 1990.

PNA