Kailangang bigyan ng national government ng P5.6 bilyong development fund ang mga local government units (LGU) na kinaroroonan ng mining operations o mga minahan.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ang nasabing halaga ay kumakatawan sa 40-percent share o bahagi ng local government units (LGUs) sa gross earnings o kita na nakukuha ng National Treasury mula sa operasyon ng mga minahan.
Ang P5.6 bilyon ay nasa 2022 National Expenditure Program (NEP) bukod pa sa internal revenue allotment (IRA) share ng mga probinsiya, lungsod at bayan na nagho-host ng nickel mining operations.
"We expect the national government as well as host LGUs to generate more income from mining activities in the years ahead," ani Pimentel na ang probinsiya ay host sa nickel mining operations.
Noong Abril 2020, nag-isyu si Pangulong Duterte ng isang executive order na nagre-revoke sa nine-year freeze sa pagkakaloob ng grant sa bagong mineral production sharing agreements sa layuning mapalakas ang kita ng gobyerno, mapasigla ang pagkakaroon ng trabaho at mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.
Ang suspensyon ay ipinataw ni dating Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino III noong 2012 sa pamamagitan din ng isang executive order.
Sa ilalim ng Local Government Code of 1991, ang LGUs ay entitled sa 40 porsiyento ng gross earnings mula sa "mining taxes, royalties from mineral reservations, forestry charges and fees and revenues collected from energy resources in their areas.