Handa na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa inagurasyon ng Binondo-Intramuros Bridge sa Martes, Abril 5.

Photo courtesy: DPWH

Kinumpirma ni DPWH Undersecretary at Build Build Build Chief Implementer Emil K. Sadain nitong Linggo ng gabi, Abril 3, na ang bagong tulay ay handa na para sa inagurasyon nito.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

“With the bridge's opening, there will be a new and faster connectivity between Binondo and Intramuros which are two (2) of the most busy districts in the City of Manila," saad ni Sadain, na siyang in-charge sa DPWH Unified Project Management Office (UPMO) Operations.

Photo courtesy: DPWH

Sinabi ni DPWH Secretary Roger Mercado na ang bagong tulay ay inaasahang magsisilbi sa mahigit 30,000 motorista at mapapabuti nito ang kalagayan ng trapiko Metro Manila.

Ang konstruksyon ng bagong tulay ay sa ilalim ng Philippines-China government-to-government cooperation projects na naglalayong mapabuti ang daloy sa kalsada at pataasin ang kapasidad ng transportasyon sa Metro Manila.

Ang Binondo-Intramuros Bridge ay isang bagong tulay sa ibabaw ng Pasig River na may kaakit-akit na arch design na magiging bagong iconic landscape sa Maynila.

Mayroon itong kabuuang haba ng 680-lineal meter na kinabibilangan ng pagtatayo ng apat na lane na 70 metro ang haba at 21.65 metro wide basket-handle tied steel arch bridge na nakakonekta sa Solana Street at Riverside Drive at Binondo sa Rentas Street at Muelle dela Industria.

Samantala, isa pang exit ramp sa Plaza del Conde Street sa Binondo ang magbubukas sa kalagitnaan ng Abril 2022.