Mahigit 100 bayan at lungsod ang natukoy bilang red-coded election hot spots, pagbubunyag ng Philippine National Police (PNP) noong Lunes, Abril 4.
Ngunit sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na patuloy nilang binabantayan ang mga sitwasyong pangseguridad sa buong bansa upang matukoy kung marami pang lugar ang mapapabilang sa hot spot list.
“Our latest data is that there are 100 municipalities and 14 cities that are under the red-colored areas. These are the areas where we focus or monitoring and security measures,” ani Carlos.
Aniya, maaaring kasama sa mahigit 300 election hot spots na inihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang yellow at orange na kategorya.
Ang pulisya ay may apat na kategorya ng hot spot: berde na nangangahulugang walang banta, dilaw na nangangahulugang may mapapamahalaang panganib ng karahasan sa halalan, orange na nangangahulugang may potensyal na panganib ng karahasan sa halalan habang pula na may agarang banta ng poll-related violence.
Sa karamihan ng mga kaso, ang pagkakaroon ng mga armadong grupo tulad ng mga rebeldeng komunista at pribadong armadong grupo ang pangunahing konsiderasyon sa pagdedeklara ng isang lugar bilang mga hot spot.
Bilang bahagi ng preventive measures, sinabi ni Carlos na iniutos na niya ang pag-activate ng mga special operations task groups sa mga lugar na idineklara bilang red-colored hot spots.
“These SOTGs are deployed in these red areas to support the preparations being made by the different provinces or city, municipality police units,” sabi ni Carlos.
Aaron Recuenco