Pinabulaanan ng aktres at singer na si Nadine Lustre ang kumakalat na "chismis" na buntis siya.

Naging usap-usapan kasi kailan lang na buntis ang aktres dahil sa kumakalat na mga link sa social media kung saan ibinahagi nito ang kanyang pregnancy journey.

Ang ama raw ng dinadala niya ay ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Christophe Bariou.

Gayunman, itinanggi ito ni Nadine.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"How TH am I pregnant every year," sey niya sa kanyang Twitter account.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1510146083808329729

Mapapanuod ngayon si Nadine Lustre sa kanyang comeback film na may title na "Greed" na pinagbibidahan nila ni Diego Loyzaga.

.