Matapos unang maging laman ng pageant news ang posibleng pagsabak ni Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” sa mundo ng pageantry, kumpirmadong target nga nito ang isa sa mga korona sa Binibining Pilipinas.

Sasabak na rin sa mundo ng pageantry ang dating Wowowin host at YouTube na si Hipon Girl.

Matatandaang Pebrero nang unang lumabas ang larawan ng online personality sa training camp ng Kagandahang Flores, isa sa mga nangunguna at kilalang beauty pageant training center sa bansa.

Basahin: Herlene Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’, sasabak na rin sa beauty pageants – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Sa kanyang muling paglabas sa isang YouTube vlog ni Karen Davila, desidido na nga ang online personality na mag-venture na rin maging mundo ng pageantry.

Kabilang sa mga koronang maaaring masungkit ni Herlene ang Binibining Pilipinas International, Grand International, Intercontinental at Globe.

Sa Hulyo nakatakdang ganapin ang Binibining Pilipinas 2022.

Kamakailan ay ibinahagi rin ni Herlene sa isang YouTube vlog ang kanyang pinakabagong achievement, ang pagkakaroon ng kanyang pinakaunang brand new car.

Basahin: ‘Hipon Girl,’ humagulhol matapos mabili ang kanyang first-ever brand new car! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid