Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng  reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ngayong Biyernes,Abril 1 sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa  EDSA-Caloocan southbound harapan ng  A. De Jesus St. (5th lane mula sa sidewalk); EDSA-Quezon City northbound (NB) EDSA corner Panay Ave. hanggang Mother Ignacia (1st block buhat sa sidewalk).

Kabilang din sa kukumpinihin ang EDSA-Quezon City NB sa EDSA malapit sa Quirino Highway Exit; EDSA-Quezon City NB bago at pagkatapos ng Gate 3 (3rd block magmula sa MRT Lane); EDSA-Quezon City NB Main Avenue hanggang P. Tuazon flyover (2nd lane mula sa sidewalk) pagkatapos ng P. Tuazon hanggang Aurora Blvd. (2nd lane buhat sa sidewalk).

Isasailalim din sa pagsasaayos ang bahagi ng EDSA-Pasay City NB innermost lane (bus way) P. Santos street patungo hanggang sa EDSA- Evangelista Footbridge; Timog Avenue Boy Scout Rotunda (1st at 2nd lane mula sa driveway); C-5 Road Ugong Norte southbound, kahabaan ng C-5 Road Bagumbayan Southbound, C-5 Road Ugong Southbound, C-5 Service Road Bagong Ilog Southbound; C.P. Garcia Ave. bago Katipunan Ave. (2nd lane mula sa sidewalk); at C-5 Northbound (inner lane) Makati City.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa trapiko sa Lunes, Abril 4 dakong 5:00 ng madaling araw.

Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.