May paalala si presidential aspirant at labor Leader Ka Leody de Guzman ngayong April Fools' Day kung saan marami ang gumagawa ng mga prank.

"April Fools Day ngayon at sana naman ay walang magprank sa mga riders today o magpakailanman," ani Ka Leody sa kanyang Twitter.

https://twitter.com/LeodyManggagawa/status/1509763909020164099

National

Sen. Kiko, di uurungan bantang ethics complaint ni Sen. Robin: 'Di uubra pasiga-siga sa akin!'

Uso kasi ngayon ang mga fake bookings o fake orders online kaya't paalala ni Ka Leody ay huwag na idamay ang mga riders sa mga prank.

"Respetuhin natin sila at bigyan dignidad ang paggawa," dagdag pa niya.

Isa si de Guzman sa mga lumalaban para sa mga karapatan ng mga manggagawa.