Nangako ang Malacañang noong Biyernes, Abril 1, na makakamit ang 100 porsiyentong COVID-19 vaccination rate sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo ngayong taon.

Sa isang virtual Palace briefing, idinagdag ni Communications Undersecretary Kris Ablan na layunin ng gobyerno na bumalik sa new normal bago magsimula ang susunod na administrasyon.

“We are going to use everything under our power to achieve 100 percent vaccination and get back to our new normal before the President steps down on June 30,” ani ablan sa midya.

Sa kaparehong briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi bababa sa 65.9 milyong Pilipino ang ganap nang nabakunahan laban sa Covid-19, o 73 porsiyento ng target na populasyon.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Samantala, 12 milyon na ang nakakuha ng kanilang mga booster shot bilang karagdagang proteksyon laban sa iba pang mga variant ng sakit.

Para sa populasyon ng pediatric, sinabi ni Vergeire na 933,000 bata na may edad lima hanggang 11 ang ganap na nabakunahan, habang 8.9 milyon sa populasyon ng kabataan ang nakakumpleto ng kanilang mga dosis.

“Hindi po titigil ang Kagawaran ng Kalusugan at ang buong gobyerno hanggang hindi po nababakunahan ang bawat Pilipino na nangangailangan po ng proteksiyon laban sa virus,” sabi ni Vergeire.

“Magpabakuna na po tayo para ang pagbabagtas natin sa ating new normal ay magtuluy-tuloy na,” dagdag niya.

Alexandria Dennise San Juan