Ibinahagi ng first-time mom-to-be at YouTuber na si Viy Cortez ang pagkakatalisod niya nitong Lunes. Agad na nagpa-ultrasound si Viy upang alamin ang kalagayan ng panganay nila ni Lincoln "Cong" Velasquez na kilala na bilang si "Baby Kidlat."

Ilang larawan ng ultrasound ni Viy ang ibinahagi niya ngayong Martes, Marso 29, at sa sa kabutihang palad ay ligtas si Kidlat matapos ang aksidente.

“Natalisod ako kahapon (madami nag aassist sa ‘kin sadyang ang aksidente ‘di masabi naka-tsinelas lang din ako buti natukod ko ang kamay ko) at sobra ang iyak ko kase kinabahan ako, kaya wala din ako sa mga ganap sa kasal kahapon at yun nga nagpa ultrasound ako para sure at salamat sa Diyos okay ang kidlat ko [emojis],” pagbabahagi ni Viy sa kanyang followers.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Larawan mula Facebook post ni Viy Cortez

Agad na bumuhos ang mensahe ng pasuporta at pag-iingat mula sa kaniyang followers sa naturang post ni Viy.

Nitong pagpasok ng Marso, matatandang proud na ipinakita ng mom-to-be ang ilang pagbabago sa katawan kabilang ang pangingitim ng leeg at kili-kili habang ipinagbubuntis si Kidlat.

Sa ilang serye ng Facebook posts, makikitang hands-on din si Cong sa pag-aalaga sa kanyang mag-ina.

Basahin: Viy Cortez, proud na ibinalandra ang pagbabago sa katawan dahil sa pagbubuntis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid