Isa na namang lucky bettor mula sa Cavite ang solong nakapag-uwi ng tumataginting na ₱42-milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa isang paabiso, sinabi ng PCSO na nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 07-25-08-03-12-05 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na ₱P42,282,132.80.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang winning ticket sa Tanza, Cavite.

Pinayuhan rin ni Garma ang lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs at ang kanyang winning ticket upang makubra ang kanyang napanalunang premyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaugnay nito, hinikayat ring muli ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto, gayundin ang iba pang PCSO games, upang makatulong sa pamahalaan na makalikom ng mas maraming pondo para sa kanilang health programs, medical assistance and services at mga kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.