Humihinga pa ang NLEX Road Warriors nang patumbahin ang crowd-favorite Ginebra San Miguel, 86-85, sa Game 3 ng semifinal seriesng PBA Governors' Cup sa Mall of Asia (MOA) Arena nitong Linggo ng gabi.

Dahil dito, itinakda pa ang Game 4 sa Miyerkules na inaasahang hahablutinna ng Gin Kings upang tuluyan nang makapasok sa finals.

Tampok sa nasabing laro ang agaw niCameron Clark sa pasa ni LA Tenoriona nagpaabantesa NLEX, 86-83, may pitong segundo na lamang sa regulation period.

May pagkakataon pa sanang tumabla sa iskor ang Ginebra, gayunman, dalawang puntos na lamang ang naibuslong koponan hanggang sa maubos ang oras.

2 driver ng Solid North, positibo sa drug test; posibleng mawalan ng lisensya?

Sa kabila nito, isang panalo pa rin ang kailangan ng Gin Kings upang makapasok na sa finals.