Isa pang grupo ng mga seaman ang nakauwi na sa bansa mula sa Ukraine na patuloy na binobomba ng Russia.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang 13 na seaman na mula sa MV Ithaca Prospect ay dumating sa Clark International Airport sa Pampanga nitong Biyernes ng hapon.
Sa rekord ng DFA, aabot na sa 323 na Pinoy ang nakauwi na sa Pilipinas mula sa Ukraine simula nang lusubin ng mga sundalo ng Russia noong Pebrero 24.
Nitong Huwebes, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang walong tripulante ng MV Filia Glory na mula rin sa Ukraine.
Nauna nang inihayag ng DFA na "malaking hamon" ang pagpapauwi ng mga seaman mula sa naturang bansa dahil tuluy-tuloy pa rin ang giyera sa Mykolaiv City.
"The evacuation of the seafarers was a big challenge because they have to disembark the ship through small boats that will bring them to shore. And we did this twice since the second batch of the crew was evacuated on another day,” ayonnaman sa ambassador ng Philippine Embassy sa Budapest, Hungary na siFrank Cimafranca.
Nitong Sabado, tiniyak naman niOverseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac na patuloy na binabantayan ng ahensya ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers sa Ukraine at Russia.
Sa rekord ng OWWA, aabot na sa 10,000 ang overseas Filipino workers sa Russia at maliit lamang sa porsyento nito ang nagnanais na umuwi ng Pilipinas dahil sa giyera.