Kasunod ng pinag-usapang Leni-Kiko rally sa Emerald Avenue kung saan napansin ng global pop star na si Ariana Grande ang sabay-sabay na pagkanta ng daanlibung Kakampinks ng ‘Break Free,’ muling namayagpag ang kanta sa isang music chart kamakailan.

Matatandaang umabot maging sa sikat na American pop superstar ang naging grand campaign rally nina Presidential candidate at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan sa Pasig City noong Linggo, Marso 20.

Basahin: Leni-Kiko rally sa Pasig, umagaw ng atensyon ni American popstar Ariana Grande – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kanyang Instagram story nitong Lunes, Marso 21, ibinahagi ng two-time Grammy-winning singer-songwriter ang bahagi ng pre-program ng rally kung saan makikita sa isang video ang sabay-sabay na pagkanta ng Kakampinks ng kanyang 2014 hit song na “Break Free.”

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Nitong Marso 23, Miyerkules, dalawang araw lang matapos ibahagi ni Ariana ang kanta sa kanyang Instagram, muling bumulusok sa Top 200 ng US iTunes music chart ang Break Free ni Ariana kasama ang featured artist na si Zedd.

Screengrab mula Facebook

Ito ang muling pamamayagpag ng kanta sa music chart walong taon matapos una itong mapakinggan ng publiko noong 2014.