CAGAYAN - Patay ang isang 6-anyos na lalaki matapos masagasaan ng convoy ni Cagayan 2nd District Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso sa Solana nitong Huwebes ng umaga.

Dead on arrival sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City sa Cagayan siAugusto Cauilan, isang Kinder, at taga-Brgy.Sampaguita ng nabanggit na bayan, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Kaagad namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng sports utility vehicle (NAM-9882) na nakilalangElmer Kulasing, 54, taga-Brgy. Danali, Abulug, Cagayan at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Naiulat ng pulisya, patungo na sana sa Piat sa Cagayan ang convoy ng kongresista na galing ng Tuguegarao City nang maganap ang insidente sa national road, Brgy. Sampaguita nitong Marso 24 ng umaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Kulasing ay nasagasaan nito ang tumatawid na si Cauilan.

Paliwanag naman ng may hawak ng kaso na si Staff Sgt. Jerimar Prieto, nasa kustodiya pa rin nila si Kulasing habang hindi pa natatapos ang kaso.