Tila may pinasasaringan daw ang latest Instagram post ng beauty queen-turned-actress na si Ruffa Gutierrez habang ipinakikita ang video clip ng kaniyang bakasyon sa isang beach noong 2021.

Ayon sa kaniyang caption, "Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex."

Screengrab mula sa IG/Ruffa Gutierrez

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami naman sa mga netizen ang 'matatalas' ang isipan at agad na nagsabing pinatatamaan umano nito si Queen of All Media Kris Aquino, na nagpatutsada naman sa kaniyang 'ex' na bahagi raw ng UniTeam, na huwag itong iboto dahil hindi umano marunong tumupad sa usapan, sa naganap na Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem, nitong Marso 23, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/

Ipinagpalagay rin na ang pinatatamaan nito ay walang iba kundi si senatorial candidate at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Narito naman ang komento ng mga netizen.

"Boom!! Sapul sa inggiterang frog.. kilala mo na 'yon!! Inggit sa magandang mga karelasyon ng kanyang ex!!"

"I guess it depends especially if the ex gave his word. Don’t promise if you can’t deliver."

"Bitter kasi wala na siguro papatol sa kanya sa ugali niya!"

"Wala akong planong iboto siya dati pero ngayon no. 1 na sa balota ko our future senador Herbert Bautista… ang ibinababa siya naman ang itinataas."

Kung si Kris ang past, si Ruffa naman ang present ngayon ni Bistek, batay na rin sa pag-amin ni Ruffa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/confirmed-ruffa-gutierrez-flinex-ang-jowang-si-bistek-aprub-kaya-ni-tita-anabelle/">https://balita.net.ph/2022/03/18/confirmed-ruffa-gutierrez-flinex-ang-jowang-si-bistek-aprub-kaya-ni-tita-anabelle/

Matatandaang ipinagtanggol din ni Ruffa si Bistek mula kay Kris nang sitahin nito ang 'ex' dahil sa 'TOTGA' cryptic tweet nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/22/admin-ng-twitter-account-ni-bistek-tinalakan-ni-ruffa-g-mga-netizen-nag-react/">https://balita.net.ph/2021/11/22/admin-ng-twitter-account-ni-bistek-tinalakan-ni-ruffa-g-mga-netizen-nag-react/

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Ruffa kung totoo ba ang mga sinasabi ng mga netizen na si Kris ang pinariringgan niya. Wala pa ring reaksyon si Kris tungkol dito.