Nasa 87.2% na ng mga balotang gagamitin para sa May 9 national and local elections ang naimprenta na ng Commission on Elections (Comelec).

Sa isang pulong balitaan nitong Huwebes, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na hanggang nitong Marso 24, umaabot na sa 58,838,453 ng 67,442,616 balota ang naimprenta.

“The 58 million something represents 87.2% of the total number of ballots that we are supposed to print,” ayon pa kay Garcia.

Sinabi ng poll official na sa naturang mahigit 58 milyong mga balota, 39,433,714 na ang nakapasa sa highest quality control at verification.

National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Ang bilang naman ng mga depektibong balota ay nasa 105,853 na kumakatawan sa 0.18% ng total ballots.

Mas mababa aniya ito sa 0.19% na rekord noong Marso 21.