Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, Ate Mrena at Tita Jegs ang kinasangkutang bugbugan issue sa pagitan ng magjowang sina Kit Thompson at Ana Jalandoni noong Biyernes, Marso 18, 2022.

Ayon sa nakalap na chika ni Ogie, nabulabog din daw ang mga hotel staff nang marinig nila ang komosyon sa inuupahang hotel room nina Kit at Ana, kaya tumawag na rin sila ng tulong.

Naungkat din daw ng mga netizen ang isyu ng 'anger management' ni Kit noong housemate pa lamang siya sa 'Pinoy Big Brother'. Ito raw ang naging dahilan kung bakit napalabas na siya kaagad sa Bahay ni Kuya.

Base sa kuwento ng talent manager at vlogger ay nakilala na niya si Ana na isa ring aktres at producer dahil inilibre siya sa pag-aari nitong Korean restaurant.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Natanong ni Tita Jegs kung bakit nga ba humantong sa pisikalan ang pagkikita nina Kit at Ana sa Tagaytay.

“Ito’y nakarating lang sa akin mula sa kaibigan ni Ana na parang selos. Due to selos daw," ani Ogie.

Naibahagi naman ni Ogie na bago yata ang insidente ay nagkita pa sila ni Ana sa Korean resto nito. Dito ay nasabi ni Ana kay Ogie na may dati na pala siyang asawa ngunit hiwalay na sila. Aware naman daw si Kit tungkol dito.

"Nakausap ko si Ana Jalandoni dahil nagkita kami sa kanyang Korean restaurant at doon nga ay trineat tayo ni Ana nito lang, kailan lang, nito lang, tapos para makipagbalitaan, ganyan. So, nakilala ko si Ana at sinabi naman niya na siya ay may ex-husband, at aware naman si Kit Thompson na meron siyang ex-husband."

Habang magkasama pala sina Ogie at Ana, tinawagan daw ni Kit ang jowa. Nang mga panahong iyon ay nasa lock-in taping ang aktor. Napansin na ni Ogie na may pagkaseloso nga raw ang aktor.

“So, pagbaba ng phone sabi ko kay Ana, ‘Alam mo Ana, ikaw nakipagrelasyon ka sa showbiz, madalas na nangyayari na hindi nagtatagal pag pareho kayong actor and actress. Sabi ko, i-enjoy mo lang huwag masyadong pakalunod sa pag-ibig sabi ko sa kanya.”

Kaya gulilat umano si Ogie nang malaman niya ang jombagan issue ng mag-jowa.

Pati ang grupong Gabriela na nakikipaglaban sa mga karapatan ng kababaihan ay pumasok na rin sa eksena.

"We support the conduct of a full investigation on the incident, as we reiterate our stand against violence against women," saad sa pahayag ng partido.

“‘Nothing justifies the acts of violence inflicted on women by their partners. This latest incident highlights the need to amplify the #LabananAngAbuso campaign to end violence against women. We hope for the full recovery of Jalandoni from her injuries and trauma'", saad pa.

Para kay Ogie, mali ang ginawa ni Kit kay Ana.

“Maling-mali iyon ang dapat ihingi ng tawad ni Kit kay Ana. Kaya lang sabi ng ibang friends ni Jalandoni baka mahal pa rin niya si Kit baka mapatawad pa rin ni Ana Jalandoni si Kit. Kasi hindi naman daw naging palaban ang statement ni Jalandoni sa kanyang Instagram post."

Sa puntong ito, binasa ni Mama Loi ang maigsing pahayag ni Ana sa kaniyang Instagram post, kung saan makikita ang kaniyang barag na mukha.

"When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga? This is me saying, you all should be careful out there. I can’t reply to all of you right now but thank you for checking up on me. I will release a statement soon," saad sa pahayag.

Abangers na lamang daw kung ano ang magiging susunod na mga hakbang ni Ana.