Inaasahang madadagdagan pa ang halos ₱100 milyong kabuuang jackpot sa dalawang magkahiwalay na lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes.

Sa 6/58 Ultra Lotto, walang nakahula sa winning combination nito na 35-25-32-09-51-02 na may nakalaang premyong ₱75,544,261.40.

Aabot naman sa ₱24,251,020.20 ang jackpot para sa winning combination na 17-07-34-26-22-18 ng 6/45 Mega Lotto.

Wala ring nanalo sa nasabing draw, ayon sa PCSO.

National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Sa kasaysayan ng lotto, umabot sa ₱1.18 bilyon ang pinakamalaking premyong tinamaan ng dalawang mananaya na taga-Albay at Samar noong OKtubre 14, 2018.

Pinaghatian nila ang nasabing premyo matapos nilang mahulaan ang winning combination ng 6/58 Ultra Lotto na 40-50-37-25-01-45.