Handa si Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na ialay ang kanyang sariling buhay para sa kapakanan ng mga mamamayan at ng bayan.

Nitong Sabado, Marso 19, tiniyak ni Moreno na tulad din nang ginawa niyang pagtataya ng kanyang buhay sa Maynila noong kasagsagan ng pandemya at noong may kalamidad, ay gagawin niyang muli ito upang siguruhin sa mamamayan na mayroon silang gobyerno.

Ayon pa kay Moreno, bilang punong ehekutibo ng kabisera ng bansa, ang pagbubuwis ng buhay ay bahagi lamang ng occupational hazards sa public service.

“Pati pamilya ko ipinagparaya ko. Inayos natin yung problema ng pagkalito, pangamba at panganib. So, I’ll do the same. I’ll offer my life for you and your family and to the entire country,” aniya pa.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Nang tanungin kung kaya niyang mag-ala-‘Zelenskyy’ na tumutukoy sa Ukraine President na si Volodymyr Zelensky, na patuloy na tumatanggi na iwan ang Ukraine upang lumikas sa mas ligtas na lugar sa gitna ng mga pag-atake ng bansang Russia ay sinabi ni Moreno na: “Nowadays, napaka-fluid ng sitwasyon, anything is possible. If I’m gonna be put into that situation, eto sisiguruhin ko sa inyo: I'll be with you in the streets, hindi ko kayo iiwan, sasamahan ko kayo. And if that will give high risk to my safety, so be it."

“Mahirap magbuhat ng bangko, pero at the very least, iaalay ko ang buhay ko pumanatag lang kayo. Hindi ko man kaya mabigyan sa kasiguruhan sa seguridad - hindi natin alam kung sino ang papasok sa ating bansa at kung anong uri ng gamit ang ipanlalaban sa atin - pero hindi tayo susuko,” dagdag pa niya.

Siniguro rin ni Moreno na gagamitin niya ang kanyang kagitingan, tapang at patriyotismo sa kanyang paghahanap ng mga kasagutan sa matagal ng suliranin ng bansa tulad ng kahirapan, kagutuman, kawalan ng trabaho at di pagkakapantay-pantay kapag siya ang nahalal na pangulo.

“Hindi ako matapang, meron din akong karuwagan sa buhay, takot ako sa karayom, sa multo, sa heights. Pero may mga bagay naman akong hindi inaatrasan lalo na kung ikaw na ang involved bilang mamamayan. I’l be with you,” ayon pa dito.

Sinabi rin ni Moreno na ang unang polisiyang pang-ekonomiya na gagawin ng kanyang gobyerno ay tapyasan ang excise tax ng petroleum products ng 50 percent upang bumaba angcost of food production ng mga bilihin tulad ngbigas, itaas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, ibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin at masustinaang produksyon ng pagkain.