Limang araw na suspendido ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa susunod na buwan.

Sa paabiso ng MRT-3 na inilabas nitong Miyerkules ng umaga, itataon ang suspensyon ng kanilang operasyon sa Mahal na Araw.

Magsisimula ang tigil-operasyon sa Abril 13, Miyerkules Santo hanggang sa Abril 17, Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon sa MRT-3, layunin nitong bigyang-daan ang kanilang taunang Holy Week maintenance shutdown sa nasabing mga petsa.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inaasahan namang magbabalik ang operasyon ng MRT-3 sa Abril 18, 2022, Lunes.

“MRT-3 operations will be suspended from April 13 to 17, 2022, to give way for the line's annual preventive maintenance activities. Normal operations will resume on April 18, 2022,” bahagi pa ng naturang MRT-3 advisory.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA mula North Ave station hanggang hanggang Taft Avenue sa Pasay City.