Nilinaw ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza sa kanyang followers ang tungkol sa pagiging "Marites."

"Let's all be clear, Marites Republic," panimula ni Gaza. "We all want this for personal entertainment, right? Alang-alang sa ating mental health, tama? Then we should all "Tsismis Responsibly". Stick lang tayo sa main issue."

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Inilabas niya ang pahayag na ito dahil marami ang nagsesend sa kanya ng mga umano'y lumang litrato, mga "mabahong" kuwento, eskandalo at kasiraan laban kay Valentine Rosales.

Matatandaang nag-viral ang Facebook post ni Rosales, kaibigan ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera, kung saan binatikos ito ng mga netizen dahil sa branch ng 7/11 na pinagbilhan niya ng Speak Cup.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/

"Kung 7-Eleven lang, 7-Eleven lang. Kung Dacera case lang, Dacera case lang. Hindi yung hahalungkatin niyo pa lahat ng baho nung tao. Dinadamay niyo pa pati yung mga mahal niya sa buhay," ani Gaza.

Kabilang sa mga inimbestigahan si Rosales dahil sa pagkamatay ni Dacera noong 2021.

"Ano ba yung goal natin in the first place? Malibang, tama? Ma-entertain, correct? So bakit kailangan pa nating humanap ng mga kasiraan na maaaring ipukol sa kanya kung hindi naman pala natin goal sirain ang kanyang buhay at pagkatao? Focus lang tayo sa pinaka-issue mga Mars. Doon lang dapat umikot ang mga tsismisan natin," saad pa ng umano'y Pambansang Marites.

Ayon pa kay Gaza, tanging hangad lamang niya ay gumawa ng pera at pasiyahin ang mga followers niya.

"WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY"KAYANG-KAYA KONG MANIRA NG BUHAY PERO WALA IYON SA AKING BOKABULARYO. ANG TANGING HANGAD KO LAMANG AY GUMAWA NG PERA AT PASIYAHIN KAYO," aniya.

Gayunman, bago ang naturang pahayag. May tila cryptic post si Gaza tungkol sa pagkamatay ni Dacera ngunit wala naman itong binanggit na pangalan.

"Feeling ko may kasalanan ka sa pagkamatay ni Dacera pero nag-imbento ka ng kwento sa media at pulisya," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/xian-gaza-valentine-rosales-nagkasagutan/