Hindi lamang ang mga magulang at kaibigan ng Maguad siblings ang nagluluksa sa pagkamatay nila kung hindi maging ang naiwang boyfriend ni Crizzle Gwynn.

Sa isang Facebook post ni Fritz Piñol Jr., boyfriend ni Crizzle, noong Marso 10, 2022, ibinahagi niya ang tribute ng bandang Ben&Ben para sa magkapatid na Maguad. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ayon sa kanya noong Disyembre 12, 2021 pa ito isinend sa kanila, dalawang araw ang nakalipas nang patayin ang magkapatid, ngunit napagkasunduan nilang magkakaibigan na huwag muna ipost agad.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Nagpapasalamat siya sa Ben&Ben para sa kantang inalay nila sa magkapatid. Inawit ng banda ang kanilang sikat na mga kanta na "Dahilan" at "Araw-Araw."

"I'm grateful that I knew you, and I'm grateful that almost all of my best moments were spent with you. I'm thankful that God let me borrow you kahit sandali lang. Stay safe in heaven, both of you. We miss you, and we love you," mensahe ni Piñol para sa kanyang girlfriend.

Kaugnay nito, nakikiramay ang banda sa pamilya ng yumaong Maguad siblings.

"Nakikiramay kami sa inyong lahat in this difficult time. At kahit hindi namin sila nakilala personally naramdaman namin ang pagmamahal nila at pagmamahal niyo sa kanila dahil sa inyong lahat," anang Ben&Ben.

"Their memory will continue to live on with us. In the difficult things like these happening sometimes hindi natin alam kung ano yung dahilan kung bakit siya nangyayari," dagdag pa nila.

"Kasama niyo kami sa pagseek ng justice to what happened to the both of them and their memory lives on in every one of us. Even in the days that will pass, the days that will come, kasama natin sila araw-araw," saad pa nila.

Gayunman, nagpasalamat din sa Ben&ben ang ina ng magkapatid na si Lovella Maguad. Ibinahagi rin niya ang pagkakataon na pinakikinggan ng magkapatid ang mga kanta ng banda.

"Maraming salamat Ben&Ben! With Ben&Ben let's pray and fight for JUSTICE," ani Lovella.

Samantala, nagbigay ng spiritual gift si Senador Christopher “Bong” Go alay sa yumao na sina Crizzle Gwynn at Crizvlle Louis Maguad noong Marso 3.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/05/sen-bong-go-nagbigay-ng-spiritual-gift-sa-maguad-siblings/