"Let our response be, sana all!"

Ipinost ni Kevin Tan, anak ng bilyonaryo na si Andrew Tan, sa kanyang Instagram ang mga "mamahaling" picture kasama ang iba pang mga bilyonaryo mula sa pamilyang Gokongwei, Zobel, Tan, Consunji, Aboitiz, at Ang.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sinong mag-aakala na kaya palang pagsama-samahin ang mga bigating taong ito? Actually, si Mercedes-Benz dealer Felix Ang lang naman ang nag-imbita sa mga ito sa kanyang mansion sa Forbes Park.

Ilan sa makikita sa picture ay sina Lance Gokongwei, Sid Consunji, Jaime Zobel de Ayala, Sabin Aboitiz, Mike Tan (anak ni Lucio Tan), George Yang, Anton Periquet, Anton Huang, Dennis Uy, Gigi Montinola, at Felix Ang.

"Only@felixthe_cats can bring this group of people together!!!" saad ni Kevin sa caption ng kanyang post.

May kalakip din itong mga hashtag na #latepost, #CigarParty, at #NoBusinessTalk.

Syempre, hindi papatalo ang mga Pinoy pagdating sa mga banat at mga jokes.

Nirepost ito ng isang Facebook page na Finance Service Desk at umani ng mga nakakatawang komento mula sa mga netizen.

Narito ang ilan sa mga komento: